knowledge is power

tissa: ano ba yan hindi ka nagflAAAsh!!!!!

ako: alam mo bang 40% ng populasyon ng mundo ay walang access sa malinis na tubig???

hindi na umimik kapatid ko.

ang galing ko magpalusot noh!?

pero nakakalungkot, totoo na samantalang balde-balde ng malinis na tubig ang pinangbubuhos namin sa inodoro ay madaming tao sa mundo ang ni pangwisik sa mukha ay wala. nakakakonsensya kung iisipin. nakakalumo kung mahina ang puso.

buti na lang mali ang stat na naibigay ko. 20% lang at hindi 40%. oo, 20% lang sa populasyon ng mundo o 1.1 bilyong tao ang walang magamit o mainom na malinis na tubig.[1]

pero nakakalungkot, nakalimutan ko talaga magflush.

buti na lang ihi lang yun at hindi jerbs...

alam mo bang 30-50 kg ang tinatae ng normal na tao sa isang taon?[2]

*************
[1]check www.worldwaterday2006.org for info.
[2]based on a lecture on Wastewater Treatment Technology Principles and Application Seminar.

2 comments:

  1. dear... kelangan ba talaga yan? hehehe.

    ReplyDelete
  2. I have been looking for sites like this for a long time. Thank you! »

    ReplyDelete