Esem

si ten ay nagtapos ng kursong statistics. S-T-A-T-I-S-T-I-C-S. stat.

ang tanong na "in a deck of cards, what is the probability of drawing a king or a queen? a king and a queen?" hindi mo pa tapos basahin may sagot na sila.
at ang anova na never ko naintindihan noong physical chemistry ay basic lang sa kanila.

may mga tao pala talagang ganon... weird.

kaya minsan napapaisip ako kung ano kayang thesis ko sakaling nag-stat din ako.

*************

thesis proposal: what is the probability that by year 2020 ay may sm na sa bawat kanto?

prof: adik ka ba? ano yan ministop?

thesis proposal: what is the probability that by year 2020 ay may sm na sa bawat baranggay o subdivision? tipong sm baranggay batasan hills, sm forbes park. kelan kaya itatayo ang sm mall of the world? malamang kulang ang isang araw para libutin ito. at dahil nakakapagod maglibot, meron na ditong sleeping center bukod sa breast feeding center tulad ng sa sm megamall. ang sleeping center ay parang bed spacer. parang ward sa hospital tapos may picture ng occupant sa taas ng kama para malaman kung sino yung natutulog. pero morbid yun kaya boarding house na lang sa loob ng sm. pinakamura ay yung mga boarding house sa tabi ng food court dahil maingay at mausok. pero maspinakamura yung mga nasa tabi ng airport. aba syempre may airport ang mall of the world. pang world kasi ang market. maspinakamura dun dahil maingay at napakadelikado manirahan sa tabi ng runway. pero isipin mo na lang ang perks of living there: libre ang air fare anywhere within metromanila. oo kasi by that time may domestic flight na from sucat to malabon, zapote to novaliches, at mga sm to sm transfers. at dahil madami na ang nakatira sa loob ng sm, magkakaroon na ng sm north baranggay captain escobar, sm west baranggay captain napoleon, sm annex.. sakit sa ulo noh?

prof: iha, adik ka nga. hindi yan thesis proposal. a thesis proposal is a statement. dapat ay blah blah blah.

*************

buti na lang graduate na ako.

4 comments:

  1. nag-aadik ka ba? hehehehe....

    miss u!

    ReplyDelete
  2. yan ang muntik nang hindi magpa graduate sakin. stats!

    :D

    ReplyDelete
  3. chekwa,

    ang lalim ng iniisip mo. ndi ka naman pinapabayaan ni ten.

    see you soon best!

    ReplyDelete