My First Backpack

[aug 19. friday. 23:30] kakauwi ko lang galing sa kung saan.

oh my gulay! anong oras na?!? hindi pa ako nakakapag-impake!!! yung mga dadalhin ko? yung bag ko? yung bag ko! napatitig ako sa bag ko. haay, ang ganda talaga ng bag ko... beep!




M Kulaz: Mam alin lng item ang dadalhin ko bukas para sa paglulu2 nyo? dami kase nito.
chex: bawang, iwatani na nasa amin na, soup kung meron, ketchup kung meron. salamat :)


nagising ako dun a. switch to backpacking mode on.

tent? check.
sleeping bag? check.
mga damit? check.
cookset at stove? check.
mess kit? check.
5 liters of liquid for group contribution?



(1.5L=tent) + (0.25L=cookset) + (0.25L=stove) + 0.7L fundador + 0.7L tequila + 1.5L water = 4.9L
shucks. kulang pa ako ng 100mL at wala pa akong trail water. ang bigat na ng bag ko. napatitig na naman tuloy ako sa bag ko...


[saturday. 00:10] tak. tak. tak. tak.

chex: ganda ng bag ko.. deuter. yabang. hehehe. c u l8r. =)
X Jun: ayos! binyagan na natin yan! ei! May dala ako gas 4 ur stove, ground sheet, ingredients for adobo and extra headlamp. dala ka bawang, mantika, batery 4ur headlamp at xtra tali sa ground sheet mo. sana maganda panahon bukas! cge pahinga ka na! nanayt batchm8!


rachel to chex: may ground sheet pa nga pala. san natin un
isasaksak?
chex: bahala na. deuter 'to, kaya yan!
rachel: ang yabang! hehehe. pero
hindi nga, pano?
chex: anong oras na? better catch some zzz's. (seg-way Zzz's...)


[00:49] beep!


M Abet: gudam. me iPod na dala c June.is der any of u hu'l be able 2 bring spkrs para meron tyo sounds?pdala nman po.bawas n load reqts sa tubig as incentive =)
argh. bat ngayon lang sinabi? san ako kukuha nyan? e kung yung speaker kaya ni kuya sa kotse dalhin ko? baka pwedeng wala na akong tubig na dalhin? hmm..kung kasya lang sa maganda kong bag. (smirking Zzzz's...)

[01:16] beep!

X Dang: Waah!! d ako makatulog! knakabahan ako =(
chex: (dedma. Salbaheng Zzz's...)

[03:05]

three oh five? waaahh!! hindi pa ako tapos mag-impake. maliligo pa ako. magrerepack pa ng frozen goods. at saka, at saka ... tae. male-late ako.

mga alas tres y medya ko ginising si papa para magpahatid. sinubukan kong mag-repack pero hindi kakayanin ng oras kaya naisip kong magpatulong na lang sa mga kabatch. alas kwatro na kami na kaalis sa bahay ni papa. sa may UST ko na napagtanto na ang layo nga pala ng buendia lrt sa bahay namin. nakakahiya kay papa, ginising ko pa. sa daan ko rin naalala na ang dami ko pa lang nakalimutan.

chex: dang, nakalimutan ko magdala ng sibuyas, saka ng patatas at ng .. blah blah blah

late ako sa 4:30am call time pero masmaaga pa rin akong dumating sa iba. paglapag na paglapag ko ng bag...

wow! ang ganda ng bag.
naks! bagong bag.
ang yabang bagong bag!

*************

glenn: deuter 1 to deuter 2. okay ka pa ba jan?
chex na matamlay: okay lang... kaya ko 'to...
kung sino mang may sabi na sisiw ang gulugod baboy, babatukan ko. hindi sya sisiw. isa syang giant ostrich. hindi pang fun climb ang trail na dinaanan namin. hindi din pang fun climb ang bitbit naming bag. hindi talaga dahil hindi fun climb ito. ito ang aming pangalawang training climb. T-R-A-I-N-I-N-G C-L-I-M-B. EL Abet made sure of that.

kaming mga trainees ay dapat self-contained. dapat full pack. may dalang tent, tarp, stove, cookset, at lamp. kung wala, may katumbas na dami ng tubig ang dapat dalhin. limang litro dapat ang dala bukod pa ito sa pansariling tubig. AT bukod sa required 5 liters for group contribution, pinatupad din ang "your load should be 1/3 of your body weight."

hindi nagbibiro si Abet na magdadala sya ng timbangan. buti na lang saktong-sakto sa timbang ko ang bigat ng bag ko. sumakto nga sa timbang pero sa ilalim ng nagbabagang araw, walang hangin, at matarik na sementadong daan, hindi sya sakto para sa akin. bumigay ako. hindi na ako makahinga ng maayos nung nag-camp kami para sa tanghalian. andun na naman yung feeling na may nakadagan sa dibdib ko at hindi ako makahinga ng maayos. nakakainis. habang ang iba ay umakyat sa summit, ako ay nagpapahinga at pinipilit maging regular ang paghinga. inis na inis ako sa sarili ko ng mga panahon na yun. naiinis ako sa mga pagkakataong hindi ako nag-jogging. naiinis lalo ako dahil mahina ako.

*************

naka-idlip ako't nakapagpahinga. okay na ko. pasado alas tres nang makababa kami sa bundok. salamat at traverse ang ginawa namin dahil sinusumpa ko ang dinaanan namin paakyat. salamat din at nabawasan ng tubig at bigas ang bag ko. habang bumababa, iniisip ko ang aking bag. worth it nga ba? ano kayang pagkakaiba kung iba ang dala kong bag?

pagdating sa paanan, kinamayan kami ng EL. "congratulations. congratulations." napangiti lang ako. salamat tapos na pero hindi ako fulfilled. hindi ko nakita ang summit.

neph, mukhang mailap ang summit sa akin.

*************

party!!!!!!

maliban kay pang-badtrip na joseph na mukhang nagpagawa lang ng t-shirt na "el sombrero island" at pinerahan lang kami, the rest of the day was a birthday celebration to remember. ang ganda ng isla. ang ganda ng mga rock formations, ang linaw ng tubig, ang puti ng buhangin, at tanging kami lang ang tao sa buong isla.

first time ko nagkaroon ng ganoong celebration. kakaiba. nakakataba talaga ng puso. hindi ko inakala na seryoso sila na bibigyan nila ako ng pa-birthday. july 2, orientation ng trainees, dun ko sila unang nakilala. noon din, sinabi ko agad na hindi ako makakasama sa aug20-21 kasi nakapag-commit na ako sa iba. nung nalaman nila yun, they painted a picture of what a celebration is like in the outdoors. i was amused and doubtful at the same time. sabi ko sa sarili ko, "ayos 'tong mga 'to. sinasabi nyo lang yan para kumpletuhin ko ang training. at talaga lang ha? ngayon lang nagkakilanlan pero parang all out celebration? stir. pero... ba't parang...hindi?"

totoo nga. isang cake na may kasamang stuffed flower at bear na galing sa aking mga kabatch at kay joyce noong preclimb. at noong sabado galing sa lahat ng ocmi: isang party game, inihaw na sariwang isda, pasta carbonara, party hats, party balloons, at syempre black forest na birthday cake na may birthday candles. lahat yun sa sombrero island. wow...

speechless talaga ako kahit hanggang ngayon. i never thought they'll do that for me. ang sweet nila. so thoughtful, so goldilocks. thank u batchmates. thank u ocmi. mahal ko na ata kayo...hehehe =)

*************

[sunday. pasado alas siete ata]

nagising ako sa loob ng tent. umuulan at may tulo sa loob. hindi ko talaga maalala paano ako napunta dun. mga alas tres ata noong humiga at nakatulog ako sa buhangin. sabi ni joyce, nung umulan daw ay nagtatakbo kami papasok sa aming mga tent. sabi ni tin at dang sinabi ko pa, "papasok ha." ewan. nakakatawa. hindi ko talaga maalalang pumasok ako sa tent. weird malasing. salamat mindoro sling, tequila at fundador. cheers!

*************

lumipat kami sa ibang beach na madaming tao at madaming batong panghilod. nagswimming ang iba. ako nagpractice mag-flutter. ang iba nagluto ng lunch. sa beach na yun kami nagpalipas ng buong umaga. mga alas tres ng hapon na ata dumating ang aming sundo. nagmadali ako kunin ang bag ko. nung makita ko sya, may napansin akong kakaiba. parang may mali... potah! ang strap ng bag ko! glenn!!!!!

sa buong trip ng jeep mula beach papuntang terminal ng alps, sandamakmak na pang-aasar inabot ko k glenn. pangiti-ngiti lang ako. hindi ko alam kung matatawa ako o maasar o hahambalusin si glenn. hindi ko din alam kung maaasar ako't vari-quick ang binili kong bag. rarr!

*************

malaki ang probability na mga ocmi at mountaineer ang lubos na makakaintindi sa pinagsusulat ko ngayon. at syempre, ang mga kasama ko lang nung weekend ang mga makaka-relate pagsinabing ang tema ng climb na yun ay ang bag ko. ang bag kong napakaganda. kahit anong klaseng pang-aasar pa abutin ko, ano ngayon? ang ganda ng bag ko: deuter. ACT 35+10 SL. vari-quick. orange. shet. ang yabang ko talaga... hehehe.

*************

Ma, salamat po sa bag. kahit malayo ka, feel ko kasama kita sa pamumundok. i love you po. miss you...



2 comments:

  1. This is better than Multiply! at least makakacomment na ako. ang masasabi ko lng, yup ang ganda ng backpack mo! super! I liked it, dapat lng ang mahal e. hehehe. kaso parang na-yari ka ni nieva nung tinago nya ang shoulder straps mo. :) hahaha.

    at tungkol sa pagpasok mo sa tent, nakakatawa talaga un, ndi mo naalala samantalang lahat ng nangyari nung madaling araw natatandaan mo :P hehehe. :) but yeah, that's one hell of a memorable bday party :)

    ReplyDelete
  2. comment, comment... o, ayan may comment na ko ha.

    -jing

    ReplyDelete