alay lakad to antipolo

alam mo ba kung gaano kalayo ang eight pesos na pamasahe sa jeep? ang layo promise!

nung Good Friday, nag-alay lakad ako ksama ang mga college '04 papuntang simbahan ng antipolo. mula bayan ng marikina papuntang simbahan ng antipolo... sobrang nakakapagod... pero sobrang nakakatuwa nung narating namin ang simbahan...isang napakalaking achievement =)

1st time ko ginawa un. ako ung isa sa dalawang 1st timer sa aming grupo na 15. hindi ako physically prepaid kaya sobrang napagod ako. hindi ko din alam na ganon kalayo un... kapag feeling ko ayoko na, ang motivation namin ay tipong ganito...

si Jesus nga pinako sa krus pagkatapos maglakad...
e maiksi lang naman ung nilakad nya!
e nilalatigo naman sya habang naglalakad...

si Jesus nga pinako sa krus pagkatapos maglakad, tapos tayo kakain lang...
magdadasal naman sa simbahan muna...
kakain pa rin pagkatapos...

.
.
.
for the first time, sumama ako kanina kay papa magjogging. ilang araw ko na rin sinabi sa sarili ko na magsisimula na ako sa training, physical training para sa antipolo next year, pero kanina...sana kanina nga ung simula. sana tuloy-tuloy na 'to. para pag-umakyat kami uli ng simbahan ng antipolo, matinong dasal na ang gagawin ko...

No comments:

Post a Comment