ang dami kong tanong sa buhay. mga tanong tulad ng bakit ang fishball hindi nagmamahal? bakit ang mga sumisiksik sa magkabilang upuan ng jeep ay laging nagkakatapat? bakit ko laging binubuksan ang ref kahit kakabukas ko lang nito at alam kong wala naman itong laman? ngunit ang tunay na bumabagabag sa aking isipan ay kung saan patungo ang aking buhay.
halos tatlong buwang nakaraan, maluha-luha kong sinabi sa boss ko na basted ako. iniisip kong ikakahiya niya ako pero nagulat ako nang sinabi nyang "ganon talaga ang buhay. sinubukan mo ba na..."
mahal ko na ata ang boss ko. tinanggap nya ako kahit mapurol ang utak ko, madugo ang transcript ko, at higit sa lahat he sees a bright future for me. ngunit, datapwa't, subalit kung si boss ay hindi nawalan ng pag-asa, ako nama'y nanliliit. minsan nga iniisip ko hindi kaya so bright ang pinapangarap namin para sa akin? maaabot ko pa ba ang pangarap na yun kung ang mga bagay-bagay ay hindi umaaayon sa plano? baka hindi iyon para sa akin, ako na puro kalokohan ang inatupag sa kolehiyo. sa isang angulo nga, parang hindi bagay e...
lumipas ang mga araw, ilang projects, sandamakmak na technical meetings. habang tumatagal lalo akong nape-pressure. ilang linggo na rin akong lutang sa trabaho. sasabog na ata ulo ko sa pag-aalala at pag-iisip. pero kahapon nakausap ko ang boss kong mataba. lumiwanag ang lahat.
kahapon, sa gitna ng makulimlim na ulap, nasilayan ko ang bughaw na langit. nabuhayan ako ng loob. Lord, masakit mareject ngunit yun nga marahil ang paraan para mahimasmasan ang mayabang kong katauhan at ipaalala na plano MO ang buhay at hindi sa amin. mayroon Kang masmagandang plano para sa akin. kung anuman yun Lord, sana yun nga din ang narealize kong tahakin ngayon. please?
pero kung hindi man... edi... hindi. basta bahala na Kayo sa akin. salamat nga pala po sa kahapon. inspite of other concerns, ok na ako ngayon. =)
No comments:
Post a Comment