Ang Mahigit na Tatlong Libong Hakbang ni CheX

Nang malaman kong pupunta si bush sa batasang pambansa, kinikinita ko nang magwo-walking trip ako pauwi ng bahay. Ngunit hindi ko akalain na ang walking trip ay magsisimula sa philcoa. kapag may pagkakataon, tinatanong ko ang mga kasabayan ko maglakad kung ano ang eksaktong oras ng pagdating ni bush sa batasan. Pero mukang wala atang nakakaalam, kahit ang mga batang naghihintay sa arawan. Nasagot ang aking katanungan noong malapit na ako sa batasan. “10 minutes na lang daw. Maka-bush ka ba?”

“hindi po,” tugon ko. Kahit kailan, hindi ako sumang-ayon sa pamamaraan ng amerika tungo sa kapayapaan, sa pagkontrol nito sa ibang mga bansa. At sa aking paglalakad, lalong hindi ako sang-ayon kung paano sya tanggapin ng pamahalaang pilipinas.

Sa walong oras na bisita ni bush sa pilipinas, bakit tila sinasamba ng pamahalaan ang amerika? Bakit kailangan magpakaplastik, irelocate at bayaran ng 10 libo (ayon sa nakapanayam sa daan) ang mga squatter sa harap ng batasang pambansa? Sana itinago na lang din sila sa likod ng billboards tulad ng ginawa sa naia. Bakit kailangang gamitin ang napakaraming grade school students, paghintayin sila ng ilang oras sa ilalim ng araw para lang magkaroon ng kakaway kay bush mula welcome rotonda hanggang batasan? Bakit kailangang ipatigil ang rally sa ever commonwealth nang dumaan si bush? Bakit kailangang isarado sa trapiko ang lahat ng dadaanan ni bush?

Bakit!!!???!!! Napalakad tuloy ako ng di oras… >=(

________________________________________________
*Chx lives about 1500 steps away from sandigangbayan. (commonwealth, qc)
*Chx tried to count the steps from philcoa to their gate, but unfortunately she lost count along the way.
*In this walking trip, Chx concludes it would have been cheaper if she waited for hours and rode a cab than walked. (e ang dami kong nakain…2 mangga’t bagoong, 1 scramble, 1 ice candy, 1 buko juice at isang orange juice na lasang tubig… =z )
*Chx, in her wildest horror dreams, is thinking of entering politics…(pero kung sakali, mag-aartista muna ako. Hahaha! =P

No comments:

Post a Comment